Iminungkahi sa Kongreso ng isang espesyalista na gawing P400 hanggang P500 ang presyo ng kada kaha ng sigarilyo, upang hindi na ma-enganyo sa paninigarilyo ang publiko.
Ito ang paksa ng pag-uusap sa ‘round table discussion’ sa ManilaMed sa pangunguna ng pulmonologist na si dr. Gian Carlo Arandia.
Ayon kay Arandia, kung talagang sincere ang gobyerno na kontrolin ang smoking population sa bansa, dapat aniya ay unahing amyendahan ang Republic Act 10351 o Sin Tax Law. Sa kasalukuyan nasa P60-P80 ang presyo ng kada kaha ng sigarilyo.
“Sa ngayon kaya pa ng mga Pinoy ang presyo ng sigarilyo, siguro kung ang presyo ng sigarilyo ay katumbas na ng isang araw na minimum wage tiyak marami ang mapipilitang tumigil sa paninigarilyo,” wika ni Arandia.
Lumabas umano sa pag-aaral na maraming kabataang estudyante ang nagsisimulang manigarilyo sa edad na 13 ,kaya iginiit ni Arandia na dapat itaas sa 18-21 anyos ang allowed na makabili ng sigarilyo.
Kasabay nito, iginiit ni Arandia na dapat ituring ang problema sa paninigarilyo at epekto nito sa katawan ng tao bilang isang malalang ‘urban health issue’.
Kabilang sa mga sakit na makukuha sa paninigarilyo ang lung cancer, emphysema, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), paglala ng asthma, tuberculosis at pneumonia.
This news originally appeared here.